Type to search

Finance

Paano Ba Nakakatulong Ang Financial Inclusion Para Magkaroon Ng Sustainable Economy?

Ang mabigyan ng access ang bawat Pilipino sa mga produkto at serbisyong pinansyal ay mahalaga sa sustainability efforts ng BDO Unibank.

Kung ang mga Pinoy ay may bank account at maaaring mag-loan, magkakaroon sila ng kakayanang mag-ipon para sa kanilang emergency funds, magbenta at bumili ng mga produkto online, magkapagpalago ng negosyo at maging handa sa panahon ng pagreretiro.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, “Mahalagang maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pag-iimpok sa bangko at ang pagpili ng tamang pamumuhunan.”

Ang BDO Foundation (BDOF), ang corporate social responsibility arm ng BDO Unibank, ay nagsagawa ng financial education programs kasama ang BSP, ang Department of Education (DepEd), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Civil Service Commission (CSC), at ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Paano Ba Nakakatulong Ang Financial Inclusion Para Magkaroon Ng Sustainable Economy?

(Top photos, counterclockwise) Ang BDO Foundation (BDOF), kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay nagsagawa ng financial education programs para sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Civil Service Commission (CSC), at Department of Education (DepEd). (Bottom right photo) Sa tulong ng BDO Network Bank (BDONB) Kabuhayan loan, ang micro-entrepreneur na si Virginia Salvador ng Isabela ay nagkaroon ng pondo para makabili ng dagdag na stocks para kanyang tindahan.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng BDOF sa ilang sangay ng gobyerno, nailatag ang financial education programs sa mga public school students, teachers and non-teaching personnel; Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga beneficiaries; civil servants; at uniformed at civilian personnel ng armed forces.

Financial Education

Tiniyak ng BDOF na maisama ang financial education sa curriculum ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12 at sa mga regular na programang nagsasanay sa mga teacher at non-teaching personnel. Kasama ang BSP at DepEd, gumawa ang BDOF ng learning materials na binubuo ng 10 educational videos na may lesson guides tungkol sa pag-iipon, pagba-budget, at maging sa pagne-negosyo. Ang BSP at BDOF ay tumulong din sa DepEd upang magbalangkas ng Financial Education Policy and Roadmap na nilathala ni DepEd secretary Leonor Magtolis-Briones sa pamamagitan ng DepEd Order in 2021.

Bumuo rin ng training materials para sa OFWs at kanilang mga pamilya, sa mga military at civil servants, na ngayon ay bahagi na ng regular training programs ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), the Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Civil Service Commission (CSC).

Kabilang sa financial literacy training programs ang pagbuo ng training resources at modules, at training para sa in-house trainers. Kahit sa gitna ng pandemya, patuloy pa rin ang implementasyon ng financial education lessons sa pamamagitan ng online platforms.

“True to our ‘We Find Ways’ philosophy, we continue to do our part to serve our clients, our communities, and the nation in the most efficient way possible as we recover from this global pandemic,” ani Mario Deriquito, president ng BDOF.

Dahil pakikipagtulungan ng BDOF sa National University (NU) at ng SM Foundation, naiparating din ang financial literacy programs sa underserved communities ng agriculture sector. Sa pamamagitan ng mga dinisenyo learning material na dinisenyo para mga magsasaka at mangingisda, maaari silang matuto ng basic accounting at bookkeeping, pati na rin ang budgeting at financial planning.

Dagdag ni Deriquito, ang partnership na ito ay malaking tulong sa pagpapalaganap ng financial literacy at inclusion sa ating bansa, habang patuloy na binibigyan ng oportunidad ang mga magsasaka na mapaunlad ang kanilang negosyo at makaahon sa hirap.

Financial Lessons Para Sa OFWs

Ang patuloy na pakikipagtulungan ng BDO sa OWWA ang naging daan para sa maipagpatuloy ang pagbibigay ng financial lessons sa OFWs kahit na may pandemya. Dahil tuloy-tuloy pa rin ang pag-alis ng mga ating mga kababayan noong 2020, ang BDO, sa pangunguna ng BDO Remit, ay hindi tumigil sa pagbigay ng financial education sa mga OFW sa pamamagitan ng Pre-departure Orientation Seminar (PDOS).

Sa PDOS, natututunan ng mga OFW ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bank account, at paano ito makakatulong sa kanila at kanilang pamilya. Ang pagkakaroon ng account ay mahalaga hindi lamang sa pag-iipon at pag-invest, kungdi pati na rin sa payment at remittance transactions.

Noong 2021, ang BDO ang nag-iisang non-government owned bank na nagbigay ng kumpletong learning facilities sa OWWA, kasama ang training rooms at internet access para sa maisagawa ang webinars.

Ayon sa tala noong November 2021, halos 159,500 OFWs ang nagbenepisyo mula sa 3,441 online financial literacy lessons o webinars.

Financial Inclusion Para Sa Mga Komunidad

Sa pamamagitan ng BDO Network Bank (BDONB), patuloy na inaabot ng BDO ang mga underserved communities para mapalaganap ang financial inclusion. Ang BDONB, ang community bank ng BDO na mayroon 347 branches at loan offices, ay nag-o-offer ng mga napapanahong produkto at serbisyo para sa mga komunidad na hindi naabot ng mga regular na bangko.

Sa tulong ng Kabuhayan Loan, libo-libong micro-SMEs (MSMEs) ang nagbenepisyo sa loan mula P 30,000 hanggang P1 milyon, kabilang ang mga negosyanteng kababaihan. Ang ekstrang pondo ang nakatulong sa mga negosyante upang palaguin ang kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng pagdagdag sa inventory ng stocks, pagbili ng kailangang equipment o kaya’y pag-expand ng isa pang branch ng negosyo.

Ang patuloy na kolaborasyon ng BDO sa mga ahensya ng gobyerno ay nagpapalaganap at nagpapatibay ng financial inclusion sa buong bansa at sa mga pangunahing sektor ng lipunan. Sinisigurado ng BDO na ang kanilang iba’t ibang produkto at serbisyo ay napapanahon at tumutugon sa financial needs ng komunidad para mabigyan ang bawat Pilipino ng access sa mga oportunidad na magsusulong ng sustainable economy.

Tags
The Blue Ink

Dhadha Garcia is a lifestyle blogger from Bacolod, PH. She is a mompreneur, a full-time blogger, and a content creator. She started blogging in 2007 and became one of the pioneers of the Negrense Blogging Society, Inc. (NBSI) in 2009, where she has received several awards and nominations for her blogs. She also writes at www.twenteenmom.com and www.classysweets.com.

  • 1

You Might also Like

1 Comment

  1. Owen Ponce February 11, 2022

    Totoo po yn! Sobrang laking tulong po niyan! “Financial Education” made life easier and better ika nga.

    Reply

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *